ProGay bumuwelta kay Nanay Dionisia

GALIT na tinuligsa ng mga bakla at transgender na miyembro ng ProGay Philippines si “Pac-Mom” Nanay Dionisia dahil sa mga maaanghang na salitang binitawan umano nito laban sa mga miyembro ng “third sex” sa pakikipagsagutan kay Senador Miriam Defensor-Santiago ukol sa isyu ng Reproductive Health bill.

Matatandaang nagpakawala si Ginang Pacquiao ng mga katagang: “Tingnan mo, mga bakla, kaiinom ng pills, hindi na bagay inumin ng mga bakla kasi lalaki sila. Ginagawa sila ng Diyos na lalaki. Umiinom talaga sila ng pills para magsilaki ang dede. Bawal ‘yan!”

Ayon kay Goya Candelario, spokesperson ng Progressive Organization of Gays (ProGay Philippines), labis na nasaktan ang mga katulad niyang bakla dahil sa mga salita ni Pacmom ay bumuhay umano muli sa halimaw ng transphobia at homophobia sa larangan ng medisina sa Pilipinas.

Base sa Wikipedia, ang “homophobia” ay ang negatibong ugali sa mga lesbian at bakla at maging sa mga bisexual o transgender people. Makikita umano ito sa mga kritikal at “hostile” na pag-uugali tulad ng diskriminasyon at karahasan sa mga kinikilala nilang mga “homosexual.”

Sa kabila nito, sinabi ni Candelario na buo pa rin naman umano ang respeto nila kay Mommy Dionisia dahil sa pagiging ina ni Manny Pacquiao ngunit dapat din umano nitong malaman na nasagasaan sila ng kanyang mga walang pakundangang mga salita.

Sinabi pa nito na totoo nga na maraming dukhang bakla at transgenders ang gumagamit ng contraceptive pills para tuparin ang pangarap na pagkababae ngunit hindi umano ito dapat na tignan na immoral dahil sa ginagawa nila ito dahil sa pangangailangang pangkabuhayan.

“Marami sa amin siyempre dapat gumamit ng female hormones kasi nga ang hanapbuhay namin ay sa turismo at pagpapaganda. Ang hirap nga lang, ang mga hormones ay masyadong mahal, hindi namin afford, mga mayamang bakla lang ang kayang bumili ng tamang hormones. Kaya kaming mga anakpawis na bakla, ang tanging alternatibo namin ay mga birth control pills, kasi mura at madaling mabili.” Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply