Nanay huli sa pagbebenta ng 10-buwan step son

ARESTADO ang isang yaya sa Bacolod matapos madiskubre na ibinenta ang kanyang 10-buwan pa lamang na step son sa halagang P4,000 makaraang hiwalayan siya ng tatay ng bata.

Inireklamo ni Stalin Mahilum, 23, ng Brgy. 39, Bacolod City ang suspek na kanyang kasintahan na si Nelyn Canillo, 22, ng Silay City, Negros Occidental matapos tangayin ang kanyang anak.

Isinalaysay nito na nag-away silang dalawa noong Abril 27 at lingid sa kanyang kaalaman ay umalis pala ang babae dala ang sanggol.

Nang makitang bumalik sa Brgy. 39, agad na ipinahuli ang suspek na umamin naman na kaniyang kinuha ang bata dahil sa galit sa live-in partner na nakipagkalas sa kanya.

Aniya, napilitan siyang ibigay ang sanggol sa isang babae na kinilala lamang sa pangalang Bebing nang kinumbinsi ng nakasamang pasahero sa Ro-ro vessel papuntang Iloilo na ipaampon ang bata upang mabigyan ng magandang kinabukasan.

Dahil na rin sa kakapusan ng pera ay kanyang ibinigay ang sanggol kapalit ng P4,000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply