Nang-hostage ng mga guro, estudyante dakip

INARESTO ng awtoridad ang dalawang lider ng grupong nang-hostage sa mga guro at estudyante sa Agusan del Sur, noong Abril.

Kinilala ang mga nadakip na sina Kenken Perez at Dodong Sabas, nakumpiskahan ng calibre 45 at M16 rifle.

Ayon kay Agusan del Sur Police director, Sr. Supt. Jerome Baxinela, nasakote ang dalawa sa Purok 6, > Barangay La Purisima sa bayan ng Prosperoidad, kanina.

Ang dalawa ay kabilang sa mga nanghostage sa 15 katao, kabilang ang mga guro at estudyante sa naturang bayan mula Abril 1 hanggang 6.

Iginigiit ng mga ito na pansamantalang palayain ang kanilang kaanak na si Ondo Perez na ikinulong dahil din sa pangho-hostage.

Nahaharap na ang mga ito sa kasong kidnapping with serious illegal detention at illegal > possession of firearms.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply