Nang-umit ng gatas, buntis, nanay dakip

DAKIP ang isang dalagitang buntis at isa pang ginang matapos mahuling nang-uumit ng gatas sa isang mini grocery sa Caloocan City, Linggo ng umaga.

Nakakulong na ang suspek na edad 17 at kasamang si Maritess Agliam, 45, may anim na anak, kapwa ng BMBA cmpd., 2nd avenue, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 10 ng umaga, pumasok ang mga suspek sa Paeng Mini Grocery sa Langaray St., ng lungsod. Kumuha ng apat na karton ng Nido ang mga suspek at inilagay sa dalang bag na nakita naman ng may-ari na si Eden Padre.

Sinundan ng tingin ni Padre ang mga suspek at nang papalabas na ng grocery ay saka ito sinita ng una dahil hindi binayaran ang mga kinuhang gatas saka tumawag sa barangay at ipinahuli ang dalawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply