Napagalitan ni inay: Binatilyo nagbaril sa sarili

ISANG binatilyo ang kaagad binawian ng buhay sa Tacloban City makaraan umanong magbaril sa sarili nang mapagalitan ng kanyang ina.

Ang biktima ay 14-taong gulang na kinilala lamang sa pangalang Simon, residente ng Lolita Village sa Lungsod ng Tacloban.

Nabatid na pumasok umano ang binatilyo sa kanyang kuwarto na umiiyak at bitbit ang isang baril ayon mismo sa kasambahay na si Lilibeth.

Nakuha sa crime scene ang isang .45 baril at isang basyo ng bala.

Patuloy pang inaalam ng SOCO ang tunay na pangyayari sa nasabing insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply