Napuno sa kantiyaw, pototoy pinutol ng binata

DAHIL sa katakot-takot na kantiyaw na inabot ng isang binata mula sa kanyang mga kaibigan dahil sa pagkakaroon ng maliit na ari kaya ipinasya nitong putulin na lamang ang kanyang pototoy sa Lantapan, Bukidnon, sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, isinugod sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Arnel Medico, 27, matapos makita ng kanyang kasama sa bahay na duguan ito.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng Bukidnon PNP na kumuha ng gulok ang lalaki at saka tinagpas ang kanyang ari.

Sinasabing madalas mapagtripan ng mga kapitbahay at kaibigan si Arnel dahil sa pagkakaroon nito ng maliit na “pagkalalaki.”

Lingid sa kanyang mga kabarkada, sa tuwing tinutukso nila ang biktima na hindi makapagpaligaya ng babae ay kinikimkim nito ang sama ng loob hanggang sa mapuno at ipinasyang tagpasin na lamang ang kanyang lawit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply