Natigalgal ang pamilya ni Jacklyn Jose sa expose ni Albie Casino

HAHAHA! Sobrang init ng panahon. Everybody, it seems, is getting carried away with the scalding hit of the summer sun.

Hayan at shakira ang mga utaw sa matataray na pronouncements ni Albie Casino sa isang question and answer- based social website kung saan hinambalos talaga niya to-the-max ang pa-tweetums na young actress, na si Andi Eigenmann nga.

Sa isyung sinampal daw niya ang young actress, mataray niyang sinagot ito.

“So much bullshit! I never hit her. Maybe one of  her many boys did.

“Andi’s a cheater kasi. She has maybe ten guys. Yeah, nope. Not me!”

Basing from the way he was talking, it was easily perceived that he walked out on her for he must have caught her having some intimate relationships with other guys as well apart from him.

Hindi naman siguro magsasalita ng ganon ang isang tao kung wala siyang sapat na basis, am I right, Bubonika? Hahahahaha!

Where naman would he get the jolting idea that Andi supposedly had ten guys? Hahahaha!

Isn’t that something eyebrow-raisingly preposterous if not purely unfounded?

Pero siguro naman, hindi magsasalita nang ganon ang isang lalaki kung wala siyang sapat na basis.

‘Yun lang!

Siguro at this point, Andi should be very careful in as far as her men are concerned.

Hayan at na-shock talaga ang kanyang madir na si Ms. Jacklyn Jose at talagang imbudo talaga siya kay Albie dahil sa mga bludgeoning pronouncements nito laban sa kanyang anak.

Basta sa isyung ito, mas marami ang kampi kay Albie dahil hindi naman siguro magri-react ng ganon ‘yung tao kung walang sapat na basis ang kanyang mga binitiwang salita.

‘Yun na!

***

Parang palos kung umiwas si Jake

MADULAS as in comparable sa isang kasile in Bicol (I don’t know how it’s called in Tagalog…Hahaha!) si Jake Cuenca.

Kahit na ano’ng husay ng isang interviewer, ang husay niyang lulusot at di talaga maka-ek ang kahit na sino dahil sa dulas ng kanyang dila at sa husay niyang umiwas sa mga maiinit na isyu. Hahahahaha!

Hayan at matataray ang mga tweets ni Melissa Ricks sa kanyang Twitter account pero ang galing talagang sumagot ni Cuenca nang kapanayamin siya ni Toni Gonzaga sa segment nito sa “The Buzz.”

Nang tanungin kung kumusta na sila ni Melissa, “We’re good!” ang poised na sagot ng aktor. “Our friendship will always be there,” he went on with total self-possession. “Ang suporta ko kay Melissa ay laging nandyan.”

Sang-ayon pa sa bolerong aktor, hindi raw ganon kadaling mawawala ang intimacy nila ng aktres dahil for one year and a half, “She was my inspiration.”

Nang ma-sense niyang natimbog siya dahil he was talking in past tense this time, biglang kambiyo siya.

“We’re going through a rough road these days,” he intoned, giving an insight to what’s really happening between the two of them right now, “but Mel will always be my inspiration.” O, devah? Hahahahahaha!

Kung ganyan kagaling ang kausap mo, would you still have the initiative to keep on asking some intimately intriguing questions when you know pretty well that he will always issue some brazen denials? Hahahahahaha! Huwag na lang, ‘noh? Hahahahaha!

At least naman, super fab ang kita ng “In The Name of Love” nila nina Angel Locsin at Aga Muhlach kung saan pivotal rin ang kanyang role, in fairness.

***

Kay laki nang ipinagbago ni Toni Gonzaga

DATI-rati, we have to admit that we were not that fond of Toni Gonzaga.

Inasmuch as we do admire her from a distance as a singer/comedienne, we were not in the least bit impressed with her when we started dropping by “The Buzz” almost on a weekly basis many months back.

Kung sina Kuya Boy Abunda, Charlene Gonzales at KC Concepcion ay sweetness personified, parang distant at deadmatic lang ang Angono woman.

So one day, when she said hi to us after the show, we just ignored her greetings and said something quite uncouth and a bit offensive.

Na-shock talaga si Ms. Toni dahil buong akala niya’y okay naman kami at walang bad blood between us.

Anyway, from then on, things have become more pleasant and smooth-sailing and she became definitely more accommodating and sweet.

Anyway, at 27, wala pa rin daw siyang balak na mag-asawa kahit na ready na si Direk Paul Soriano at suffice to say, their relationship has veritably withstand the test of time.

“Direk Paul wants to get married in Taytay,” Toni intones. “Sabi pa nga niya, ‘Just tell me when and where and I’ll show up.'”

Touching, di ba naman?

“I’m still young,” she asseverates. “27 is still young pa rin for me.”  It’s nice to have someone who’s always there for you, di ba?

“If God permits that we’ll end up together,” she elucidates, “ang happiness naman niya ang iku-consider ko.

“Ngayon kasi, laging ang happiness ko ang kinu-consider niya.”

How nice naman. Sana nga’y sila na ang magkatuluyan. Wala naman kasing resistance on the part of her parents.

***
Send in those sizzling stories that you guys know about our fave movie people at my email ad pete_ampoloquio@yahoo.com or at my cell numbers(#09994269588, #09276557791 and #09223870129).

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply