National ID system bubuhayin ni Lacson

BUBUHAYIN ni Senador Panfilo Lacson ang kanyang panukalang National Identification System sa bawat mamamayang Filipino.

Ayon kay Lacson, napapanahon na upang magkaroon ng National ID ang bawat Pinoy dahil mayroong mga gumagamit nito sa maling gawain.

Iginiit ni Lacson na sa halip na matakot sa isinusulong na ID system, mas dapat aniya na katakutan ang mga kriminal na naglilipana sa lipunan na hindi naaaresto dahil sa pagpapalit-palit ng mga pangalan.

“Para rin mahabol ang criminals kasi sa atin ang laman ng wallet natin katakot-takot na IDs tapos natatakot tayo sa singular ID system,” ani Lacson.

Aniya, tanging dito lamang sa Pilipinas maaaring mag-iba ng pangalan ang mga masasamang-loob kaya hindi ito mahabol ng mga awtoridad.

May mga bansa na tanging iisa lamang ang ID na ginagamit ng mamamayan mula sa pagkapanganak nito hanggang sa pagtanda o kamatayan.

Ayon kay Lacson, naghahanap na ito ng counterpart bill sa Kamara  para sa kanyang panukala upang mapadali ang pagpasa nito ngayong 15th Congress.

Ipinaliwanag din ni Lacson na hindi dapat matakot ang publiko sa National ID System dahil hindi nito malalabag ang kanilang pribadong buhay.

Aniya, mayroon naman na ipinatutupad na bank secrecy act na hindi masasagasaan ang kanilang pribadong karapatan, kung saan ang nakasaad lamang sa National ID System ang mga basic na information sa isang indibidwal, tulad ng kung saan sila ipinanganak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply