Naulol sa rabies, kumatay ng ka-live-in

NAPATAY muna ng isang lalaking naulol sa kagat ng aso ang kanyang ka-live in, bago siya binawian ng buhay dahil sa rabies sa Davao City, iniulat ng pulisya.

Dead on arrival sa ospital sanhi ng rabies sa katawan ang suspek na si Lyndon Ali, 29, ng Purok 6 Sitio San Roque, Barangay Cauayan, Calinan, Davao City.

Tadtad naman ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan na namatay noon din sa kanilang bahay ang kinakasama ng suspek na si Kriss Jane Enoc, 26.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pagpatay ng suspek kay Enoc, alas 10:30 kahapon ng gabi sa mismong bahay ng magka-live in.

Ayon sa imbestigasyon ni SP01 Orlando Maglazo, imbestigador ng Calinan police Station, bago ang insidente, nabatid na nakagat ng aso ang suspek may tatlong buwan na ang nakararaan.

Simula noon,  nakitaan na ang suspek ng mga senyales na nauulol tulad ng takot sa tubig at liwanag at nito ngang nakaraang Mayo 27 ay nakita na ring nagsasalitang mag-isa ang suspek kahit walang kausap.

Ipinagtaka naman ng mga kapitbahay ni Ali ang hindi pagkakakita sa ka-live in nitong si Enoc, kaya isa sa kanila ang naglakas ng loob na silipin ang loob ng bahay ng biktima habang wala ang suspek.

Dito natuklasan na patay na ang ginang na tadtad ng saksak sa katawan.

Agad namang hinanap ng awtoridad ang suspek na kanilang naabutang bumubula ang bibig at tumutulo na ang laway sa bibig hanggang malagutan ng hininga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply