Navy bibili ng submarino

INAMIN ng Philippine Navy na pinag aaralan na ngayon ng Armed Forces of the Philippine (AFP) ang pagbili ng submarines para mapalakas ang depensa sa karagatan ng Pilipinas.

 “There is already a team that is conducting a study and this study will determine what capabilities do we need, where can we get this vessel or this submarine,” pahayag ni Navy Fleet Marine Spokesman Lt/Jr. Grade Rommel Rodriguez sa direktibang ibinaba ng Naval leadership kaugnay s akanilang 2020 vision.

Sinabi pa ni Rodriguez na may isinasagawa ng pag aaral hinggil s apagkakaroon ng submarine ng Navy bagama’t alam naman ng hukbo na masyadong mahal ito.

Nabatid na inatasan ni Naval Fleet Commander Vice ADM Alano si Lt/Cmdr Merlito Martinez para pangunahan ang isnasagawang pag aaral.

 Samantala nakatakda na i-turn over sa Navy ng US government ang biniling USGC Hamilton.

Ang  USGC Hamilton ay isang  Weather High Endurance Cutter (WHEC) vessel na binili ng Pilipinas sa United States. Opisyal itong ipagkakaloob sa Navy ngayong umaga, May 13. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply