Navy nakaalerto sa bagyong ‘Chedeng’

NAKAALERTO ang Philippine Navy Disaster Response Teams (PN-DRTs) ng Naval Forces Central at Southern Luzon matapos na ilagay sa public storm signal number 2 ang mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon at Samar para agad na k=makaresponde ang sa maaaring idulot ng bagyong “Chedeng.”

Ayon sa utos ng Philippine Navy Flag Officer In Command, Vice Admiral Alexander P Pama AFP, lahat ng DRTs ay kasalukuyang nasa full alert na sa pagresponde para sa posibleng kapahamakan na idulot ni Chedeng.

Inutos din ni Pama na lahat ng DRT’s na nasa sa katabing Naval Forces na hindi direktang apektado ni Chedeng ay dapat na naka-standbay 24 oras para sa agarang pagdeploy sa mga lugar na mangangailangan ng tulong.

Ang bagyong Chedeng ay may hawak ng kaukulang pansin kung saan ito ay naitalang magbibigay ng matinding pag-ulan kaysa sa mga nagdaang  bagyo sa ating bansa na nagdulot ng pagbaha sa ibang mga lalawigan sa Bicol region.

Si Chedeng, kaugnay sa mga naging direksyon ni “Bebeng” nitong huli ay maaaring maghatid ng matinding ulan dulot na rin ng southwest monsoon.

Ang posibilidad ng pagguho ng lupa at pagbaha ay maaaring tumaas dahil ilan sa mga lugar sa Bicol Region ay hanggang ngayon ay lubog pa rin sa tubig baha gawa ng nakalipas na bagyo.

Sa pakikipag-ugnayan sa opisina ng Civil Defense V ng Naval Forces Southern Luzon (NFSL) kahapon (May 24) ay nagdeploy/dispatch ng isang Disaster Response Team at nagtayo ng Paunang Command Post sa San Fernando at Milaor, Camarines Sur para tumulong sa local na pamunuan ng gobyerno sa paglikas ng mga taong naninirahan sa delikadong lugar.

Kailangan nating magsimula ng inisyatibo at maging alerto at preparado sa pagdating ng kalamidad at mabawasan ang mga masamang dulot ng bagyo. Kailangan na nating kumilos ngayon” sabi ni Commodore Joel Babas AFP, Commander ng Naval Forces Southern Luzon.

Dagdag pa niya: “Ako ay naglabas na ng kautusan para umalerto ang mga Disaster Response Team para magdagdag ng puwersa sa iba pang mga ahensiya para mabawasan o maiwasan ang masamang dulot ng bagyong Chedeng sa nasabing rehiyon.”

Ang Hukbong Dagat ng Pilipinas ay may anim (6) na Naval Operating Forces na sumasakop sa buong bansa. Bawat Naval Forces ay may dalawang (2) Disaster Response Team, samantala ang Fleet-Marine Ready Force ng Navy na naka-deploy sa nasasakupan ng Metro Manila at sa mga karatig probinsiya nito ay mayroong 20 Disaster Response Team na binubuo ng 15 katao at may kasamang isang M35 (6X6) trak at isang rubber boat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply