NBA fan nakuryente sa pag-aayos ng antenna, dedo

UMAAPOY na nagkikikisay hanggang sa mamatay ang isang lalaki nang makuryente ito habang inaayos ang antenna ng kanilang telebisyon na lumabo ang screen dahil sa mahinang reception habang nanonood ito ng National Basketball Association (NBA) sa Cebu Biyernes ng umaga.

Bukod sa tinamong third-degree burns sa buong katawan ay naputol pa ang kaliwang paa ng biktimang si Joel Anthony Mirallo Laurente, residente ng Barangay Poblacion, Cebu, dahil taas ng bilang ng boltahe ng kuryenteng pumasok sa katawan nito.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-diyes ng umaga sa mismong bubungan ng bahay ng ka live-in ng biktima sa Barangay Bonbon, Oslob.

Ayon sa ka-live-in nitong si Babybren Figarum, bago ang pangyayari ay nanonood ang biktima ng laban ng Miami Heat at Chicago Bulls sa semi-finals ng NBA.

Pero habang nasa kasarapan ng panonood ay biglang pumangit ang reception ng kanilang telebisyon kaya’t umakyat agad ito sa kanilang bubungan para ayusin ang antenna.

Lingid sa biktima, natatapakan pala nito ang tubong nakatayo kung saan nakakabit ang television antenna at sa hindi inaasahang pangyayari ay dumikit ang antenna sa main line ng kuryente.

Umalingawngaw ang isang malakas na pagsabog at ang kasunod ay biglang nahulog mula sa bubungan ang biktima at bumagsak sa lupa na nag-aapoy ang buong katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply