NBI balak kumuha ng empleyadong pipi, bingi

PINAG-AARALAN ngayon ng National Bureau Investigation (NBI) kung maari silang kumuha ng mga empleyado na pipi at bingi sa isang regular basis para sa patas na pagtanggap ng mga empleyado at oportunidad sa mga taong may kapansanan.

Ayon kay  NBI Director Atty. Magtanggol Gatdula, ang ahensya ay nag-aaral na hinggil sa pagtanggap ng mga taong may nasabing kapansanan dahil na rin sa matagumpay na On-The-Job (OJT) program na kanilang sinimulan sa De La Salle-College of Saint Benilde School of Deaf Education and Applied Studies (DLS-CSB SDEAS).

“The deaf students were very productive and efficient in delivering the usual whole day work load to only five hours inside the NBI-Cyberspace Security Office.

They were invited to help implement the computerization efforts of the bureau by volunteering as encoders,” ayon kay Gatdula bago nito pirmahan ang Memorandum sa pagitan ng NBI at DLS-CSB SDEAS.

“There’s a possibility that they may be hired is great. We just have to wait for the EO 366 to be lifted,” dagdag pa nito.

Isinulong  ng NBI  at ang opisyal ng DLS-CSB ang memorandum para sa mga estudyanteng pipi at bingi upang makatyulong narin para magkaroon ng trabaho ang mga ito sa ahensya.

Sinabi naman ni Gatdula sa kanyang speech na patas ang tingin sa mga taong may kapansanan. “We look at them as co equals who can likewise contribute in big way to nation building. By working with deaf-mute, we know that we can learn from each other. With our concerted efforts, we can find a new meaning to what we call public service,” ayon pa kay Gatdula.

Sumang-ayon naman  si NBI Cyberspace Security Head, Retired Air Force Col. Danny Crisologo rito at sinabing maari umanong bumaba ang korapsyon kapag kumuha sila ng mga pipi at bingi na mga tauhan  sa nasabing ahensya na maaring makatulong.

“Before you corrupt a deaf person, better do the sign language. You have to learn first their language,” ayon kay Crisologo.

 Nauna dito, kinuha ng ahensya ang serbisyo ng pipi at bingi na graduate at estudyante ng DLSU-Saint Benilde upang makatulong sa pagresolba sa backlog ng NBI. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply