NBP chief pinakakasuhan

KINATIGAN ni Sen. Teofisto Guingona III ang pananaw ng karamihan na hindi lamang dapat sibakin si Bureau of Corrections Director Ernesto Diokno, kundi dapat din itong sampahan ng kasong kriminal at administratibo.

Sa panayam, sinabi ni Guingona na pananagutan ni Diokno ang paglabas ni dating Batangas Governnor Antonio Leviste kaya’t hindi maaaring wala siyang nalalaman sa ginagawa nitong iligal sa loob ng New Bilibid Prison.

“Diokno is the one who is in-charge of the prison. Obviously, that his command jurisdiction and he is held accountable for,” ayon kay Guingona.

Nitong nakaraang araw, natuklasan ng awtoridad na nakakalabas-masok ng kulungan si Leviste at malaya itong nakakalibot sa labas ng NBP sa Muntinlupa City. Nagawa pa nitong magpabunot ng ngipin sa isang pribadong dentista sa labas ng kulungan kahit walang court order.

Dahil dito, sinabi ni Guingona na dapat kasuhan ng kriminal at administratibo ang hepe ng BuCor upang papanagutin sa iligal na nangyari sa NBP.

Dapat din umanong magkaroon ng malalim na imbestigasyon sa insidente upang matukoy kung sinu-sino pa ang kasabwat ni Leviste kung bakit ito nakakalabas-masok ng kulungan kahit walang court order.

“Criminal and administrative charges should be filed against them,” ayon kay Guingona.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply