Negosyante binaril sa harap ng sariling tindahan

HINIHINALANG bayaran ang riding in tandem na rumatrat sa isang 35-anyos na negosyanteng Tsinoy habang nasa harap ng kanyang tindahan sa Sta.Cruz, Manila nitong Biyernes ng hapon, Mayo 20.

Namatay habang ginagamot sa Metropolitn Hospital ang biktimang si John Christopher Meneses Ki, may-ari ng Supreme Label International Electrical Industries na matatagpuan sa  panulukan ng 1401 Claro M. Recto Avenue at Teodora Alonzo st., Sta Cruz.

Mabilis namang tumakas ang dalawang salarin na sakay ng motorsiklo.

Batay sa report ni Det. Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 4:01 ng hapon , nang maganap ang nasabing krimen habang ang biktima ay nasa harapan ng kanyang tindahan.

Nabatid sa ulat ng pulisya na kausap umano ng biktima ang isa sa kanyang tauhan nang biglang sumulpot ang isa sa mga suspek na armado ng baril at nagpaulan ng putok.

Basta na lamang daw naglakad papunta sa naghihintay nitong kasama na lulan ng motorsiklo ang salarin ayon sa nakasaksi sa krimen.

Patuloy ang isasagawang pagsisiyasat upang mabatid kung sino ang dapat managot sa krimen at sino ang nasa likod nito habang naghahanap ng mga testigo na makakapagturo sa mga salarin. Rene Crisostomo

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply