Negosyante timbog sa droga sa NAIA

HINDI nakalusot sa alertong tauhan ng Philippine National Police-Aviation Security Group ang pagdadala ng droga ng isang negosyante makaraang matutop kaninang umaga sa Ninoy Aquino
International Airport NAIA)-Terminal 2

Ang suspek na naaresto ay kinilalang si Enrico del Rosario Aldaba, 51, ng Puerto Princesa Palawan.

Nabatid  kay  PO3   Francisco  de  Guzman  ng  PNP-Aviation  Security Group, natuklasan ang pagdadala ng droga ng suspek nang biglang tumunog ang metal detector nang dumaan si Aldaba  sa detecting device na nakalagay sa pintuan ng Terminal 2.

Nagduda umano ang naturang pulis kaya kinapkapan  nila ang suspek at inutusang ilabas ang plastic sachet na nasa loob ng kanyang bulsa.

Nang ilabas ang plastic agad tinangkang isinubo ng suspek ang sachet na naglalaman ng shabu para lunukin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply