Nene 1-taon sex slave ng manyak na tiyuhin

ARESTADO ang 39-anyos na lalaki makaraang gawing sex slave sa loob ng isang taon ang isang menor-de-edad na pamangkin sa Manila Police District-Integrated Jail sa Ermita, Manila.

Kinilala ni P/Chief Insp. Anita Araullo hepe ng MPD-Women’s and Children Protection Desk (WCCD) ang suspek na si Mario Rey Samonte, 39, ng Tecson St., Sta. Cruz, at sinampahan ng kasong five counts of rape sa Manila Prosecutor’s Office (MPO).

Ang pagkakadakip sa nasabing suspek ay bunsod sa reklamo ng batang biktima na itinago sa pangalang “Amor”, 11, 1st year high school student kung saan sinabi nito na may ilang ulit umano siyang pinagsamantalahan ng kanyang tiyuhin sa bahay ng huli at ang pinakahuli ay nito lamang Mayo 9.

Ayon sa salaysay ng biktima, bago ang pangmomolestiya sa kanya noong nakaraang taon ay binigyan muna umano siya ng kanyang tiyuhin ng P100 at ng gabing iyon ay nagtungo ang suspek sa kwarto ng batang bitkima at doon na sinimulan ang pangre-rape sa kanya.

Matapos ang huling pang-aabuso sa batang biktima ay nagsumbong na ito sa kanyang magulang na nasa probinsya na agad namang nag-report sa pulisya kaya naaresto ang suspek.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply