Newscaster nilayasan ang mga tao

ANG taray talaga ng newscaster na ito. Wala siyang pagbabago. Mula noon hanggang ngayon dala-dala niya ang ugali niyang hindi maganda.

Hindi nga ba’t madalas itong layasan ng kanyang staff noon dahil maliban sa taratitat ito, kung ano ang mahawakan nito ay ibinabato sa kanyang tauhang kinaiinisan.

Isa rin marahil sa dahilan kung bakit hindi nagtagal sa kanya ang morenong mister kaya nilayasan siya. Pa’no sobra ang pagkamaldita. Tumanda na’t lahat-lahat dala-dala pa rin ang mala-impakta niyang pag-uugali.

Months ago, pumunta ang staff niya sa isang malayong barangay ng Batangas para kausapin ang mga local officials doon at paghandain ang mga tao sa ibibigay niyang regalo.

Maaga pa lang ay nakapila na ang mga utaw. Tanghali na, nakapila pa rin sila. Tagatak ang pawis nila dahil sa tindi ng sikat ng araw pero tiniis nila iyon pati na ang gutom para lamang di mawala sa pila at masingitan ng iba.

Hapon na nang dumating ang newscaster.

Nakangiti sana itong bumulaga sa mga tao, pero nang mapansin nitong di maayos ang lugar at hindi nasunod ang gusto niya, aba’y lumayas nang walang paalam ang hitad. Naiwan ang mga taong nakanganga.

Susme!

Na-dehydrate ang karamihan at ang iba’y inatake ng ulcer dahil nalipasan ng gutom pero ano ang nakuha nila? WALA!
Lumayas si newscaster nang walang paalam.

Pero may himalang nangyari, pagkalipas daw nang ilang araw, bumalik si madam dala-dala ang kanyang hindi makain na regalo.

Ano ang tawag d’yan, bakit siya nag-I shall return? Konsensiya? No! Baka mawalan nang rating ang kanyang programa.

‘Yun na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply