NFA: Rice traders, mga kooperatiba lehitimo

SABLAY ang iniulat ng isang pribadong kompanya na bumusisi sa rekord ng National Food Authority hinggil sa bintang na pasok sa smuggling at pandaraya ang 18 kooperatiba at rice traders noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Jose Soriano, Jr., NFA-NCR regional operations officer at kasapi ng NFA Regional Bids and Awards Committee, dumaan sa tamang proseso ng ahensiya ang “accreditation” ng mga naturang kompanya bago nabigyan ang mga ito ng kaukulang lisensiya para makapag-angkat ng bigas sa ilalim ng “Private Sector Finance” importation program ng NFA.

“The accreditation (process) was aboveboard based on our guidelines, they were able to comply with all the requirements so there is no reason to turn down their application,” dagdag pa ni Soriano.

Una nang isinabit sa smuggling at iba pang anomalya sa importasyon ng bigas para sa NCR at Luzon ang 10 kompanya at kooperatiba at walo naman sa Kabisayaan.

Sa Metro Manila, kabilang dito ang Sta. Rosa Farm Products Corporation,  Purefeeds Corporation, Longos Proper MPC, Hillside MPC, Unzad MPC, Cabaritan MPC, La Tupiguera MPC, Pasileng Sur MPC, Eastern Binalonan MPC, and D’ Highlight Agri-Business MPC, batay sa isinumiteng report ng isang pribadong kompanya na kinuha ni NFA administrator Angelito Banayo.

“Kung may anomalya rito, sana noon pa (sa bagong administrasyong Aquino) nagkaroon na ng ‘full-blown investigation’ dito (sa NFA),” dagdag pa ni Soriano.

Dagdag-patunay umano na walang anomalya sa buong proseso ang naging promosyon bilang regional director for the Bicol region (Region 5) ni dating NCR assistant director Piolito Santos, na nag-apruba sa lisensiya ng mga nasangkot na rice traders.

Batay pa rin sa rekord ng NFA, mahigit nang 10 taong nakarehistro sa ahensiya ang mga naturang kompanya at kooperatiba kung saan taunang nirerepaso ang kanilang akreditasyon.

Sa Kabisayaan, naglabas na rin ng paglilinaw ang NFA regional office na nakabase sa Cebu kung saan nilinis nito ang walong iba pang kompanya at kooperatiba na isinabit sa kinukuwestyon na audit report.

Ayon kay NFA Central Visayas information officer, “bonafide” at lehitimong rice traders ng NFA ang mga nasangkot na kompanya.

Dagdag naman ng  ilang impormante, dapat ding ipabusisi ni Pang. Noynoy Aquino ang operasyon ng  grupo ni Davidson Tan Bangayan, isang Fil-Chinese.

Anila, maugong ang  balita na si Bangayan ang nabigyan ng “basbas” upang makapaghanapbuhay sa NFA sa ilalim ng administrasyong Aquino.

“Nagtataka lang kami dahil bakal at mga scrap material ang orihinal na negosyo nitong si David pero ngayon ay bigas na ang kanyang inaangkat, bakit?” tanong pa ng sources.

Posible umanong may “demolition job” laban sa mga lehitimo at rehistradong rice trader upang makopo ng grupo ni David ang kalakal sa bigas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply