Nigerian, Korean tiklo sa buy-bust operation ng PDEA

NAHULI ang isang Nigerian at isang Koreano sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang fast food chain sa Quezon City Martes ng madaling araw.

Nakumpiska rin ang hindi kukulangin sa kalahating kilo ng high-grade cocaine, na nagkakahalaga ng P2.5 milyon sa street value nito.

Kinilala ni PDEA Director General Jose S. Gutierrez ang dalawang nahuli na sina Samuel Egbo y Chukwueloka, 34, isang Nigerian, at ang Koreanong si Yunji Choi, 22. Ang dalawa ay kapwa hinihinalang miyembro ng African Drug Syndicate.

Base sa imbestigasyon, bandang 4:45 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ni IIS Director Jigger  B. Montallana.

Ito ay matapos makipagkasundo ang mga suspek sa naturang bentahan ng iligal na droga sa loob ng fast food chain sa panulukan ng Matalino at Malakas Sts., sa nasabing lungsod.

Napag-alaman na si Egbo rin umano ang nag-recruit kay Elizabeth Batain, ang isa sa tatlong Filipinong binitay sa China kamakailan matapos mapatunayang nagdala sila ng iligal na droga sa nasabing bansa.

Mga Koreano naman ngayon ang nire-recruit umano ng sindikato bilang drug couriers upang iligaw ang mga awtoridad.

Magugunitang naging isyu ang pagkakasangkot ng overseas Filipino workers (OFWs) bilang drug mules ng nasabing sindikato. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply