‘No permit, no exam policy’ ibinasura

IBINASURA ng  House Committee on Higher and Technical Education (CHTE)  ang  ipinatutupad sa mga kolehiyo at  unibersidad  na  no-permit, no exam policy matapos ipasa  ang panukalang  batas  laban  dito.

Mahigpit na  nakapaloob sa  inaprubahang substitute bill na payagang makapag-exam  ang mga  estudyante na hindi pa nakapagbayad ng kanilang school tuition fees.

Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Raymond ‘Mong’ Palatino na siyang nagsulong ng nasabing panukala  na ang  “Anti-no permit, no exam” Act of 2011, ay may nakapataw  din na kaukulang kaparusahan sa mga  lumabag  na mga  kolehiyo at  unibersidad sa bansa.

Itinuring ni  Palatino na malaking tulong  ang nasabing panukala  sa  sandaling maisabatas ito  sa mga  estudyanteng na naka-enroll sa kolehiyo at  unibersidad  kung  saan ay  85% porsyento nito ay mga  pribado.

“With this bill, students with pending arrears will no longer be disallowed to take their mid-term and final examinations. They will also no longer be required to secure a permit for them to take their exams. School violators will be strictly penalized with fines,” ani Palatino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply