‘No plastic policy’ nakaipon ng P.2 milyon

UMABOT sa mahigit na P200,000 ang naipon ng delegasyon ng Region 2 sa ginagawang 2011 Palarong Pambansa sa Lungsod ng Dapitan, dahil sa pagtupad sa “No Plastic Policy” ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay DepEd 12 assistant regional director Allan Farnazo, ang polisiya ay nakasaad sa DepEd Order No.97 at nagbabawal sa paggamit ng mga disposable na mga plastic at Styrofoam bilang lalagyan ng pagkain habang idinadaos ang Palarong Pambansa.

Ang malaking halaga, ayon kay Farnazo, ay nakuha sa paggamit ng reusable food container na nagkakahalaga lamang ng P52 para sa bawat atleta at mga sports official na bahagi ng delegasyon ng Cotabato Regional Athletic Association (CRAA).

Hindi lamang malaking savings ang naitulong ng nasabing DepEd policy, ayon kay ARD Farnazo, sa halip ito rin ay nakatulong sa pagpapalakas ng mga eco-friendly practices sa panahon ng palaro.

Sinabi rin ni Farnazo, magandang pagkakataon din ang mga event na katulad ng Palarong Pambansa upang itanim sa kaisipan ng mga atleta at ng bawat mamamayan ang kahalagahan ng pagmamalasakit sa kalikasan sa pamamgitan ng nasabing polisiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply