North vs South team sa Hala Bola! PBA 2011 All-Star weekend

MAGHAHARAP bukas ng hapon, Linggo, Mayo 22, ang North team at South team sa pagpapatuloy ng Hala Bola! PBA 2011 All-Star game sa Boracay Convention Center sa Boracay.

Ang banggaan ng dalawang koponan ay kasunod ng Legend Shootout dakong 5:30 ng hapon. Ang North team ay tatanganan ni coach Renato “Ato” Agustin samantalang si Chot Reyes ang gagabay sa South team.

Tatangkain ng South team na makabawi sa 130-133 pagkatalo noong 2010. Mangunguna sa koponan ni Reyes ang most valuable player noong 20101 na si James Yap. Makakasama niya sina Jay Washington, Cyrus Baguio, Jimmy Alapag at Kelly Williams.

Habang ang North team ay bubuuin nina Willie Miller, Marc Pingris, Kerby Raymundo, Gabe Norwood, Alex Cabagot, Arwin Santos at Rabeh Al-Hussaini.

Tangan ng North team ang 5-4 kalamangan sa South team magmula ng pasimulan ang palaro noong 1992.

Samantala, sa ginanap na 2011 Meralco Slam Dunk contest ng PBA All-Star Skills Challenge, si Kelly Williams ng Talk N’ Text ang tinanghal na kampeon sa taong ito.

Ang Texter forward ay nakaharap ang rookie na si Rey Guevarra ng Petron sa finals kung saan 92 puntos ang naitala ng nagkampeong si Williams. Si Guevarra, dating kampeon sa collegiate league ay nagpakita ng magandang simula sa final round subalit nabigo sa ikalawang pagtatangka sa mga kasunod na round.

Isang kapanapanabik na panalo sa 2008 Slam Dunk king nang ang kasalukuyang kompetisyon ay kulang sa mga magagaling na kalaban tulad nina Jay Washington ng Petron at ng 2009 champion na si Gabe Norwood ng Rain or Shine na kapwa hindi lumahok sa huling minuto. Ang 4th time winner na si KG Cañaleta ng B-Meg Derby Ace ay hindi rin idinepensa ang titulo niya.

Si JC Intal ng Barangay Ginebra ay nakapagrehistro ng perfect score na 50 puntos sa kanyang two-hand reverse slam pero hindi nakasapat ito para makapanalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply