Not guilty plea ikinasa ng limang MPD police

NOT GUILTY plea ang ikinasa ng limang kasapi ng Manila Police District (MPA) Station 5 sa isinagawang arraignment sa kanila sa Manila Regional Trial Court, Martes ng umaga kaugnay sa akusasyong pagkulimbat sa nabawing ransom money na ibinayad ng dinukot na Malaysian national noong nakalipas na buwan ng Marso.

Pormal na humarap sa sala ni Manila RTC Br 173 Hon. Judge Armado Yanga ang limang akusadong pulis sa pangunguna nina P/Sr. Insp. Peter Nervisa, pinuno ng MPD STN 5 Anti- Crime  Unit, SPO3 Ernesto Peralta; PO3 Jefferson Britanico, PO3 Mike Ongpaoco Fabia at PO1 Rommel Santos Ocampo.

Magugunitang sumuko ang limang tauhan ng MPD matapos magpalabas ng shoot-to-kill order si Manila Mayor Alfredo Lim nang hindi magpakita ang mga ito sa isinagawang folow up investigation ng MPD General Assigment Section na pinamumunuan ni P/Chief Inspector Mar Reyes.

Ang lima ay inakusahang tumangay sa tinatayang P10.6 million ransom money na nabawi sa isang kidnap for ransom group sa Riviera Mansion noong gabi ng Marso 7, 2011 na dumukot kay Eric Sim Chin Tong, Malaysian national at residente ng Malabon City.

Pumutok ang pagkawala ng bahagi ng ranson money matapos P4.2 milyon na lamang ang narekober ng operatiba sa isinagawang follow-up operation laban sa kidnappers ng Malaysian.

Mismong si Lim ang nagbulgar na bukod sa limang police na sumuko matapos siyang magpalabas ng shoot-to-kill order ay may mataas pang police officer ang sangkot sa nasabing kaso na kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply