Nota ni politician pinagpag sa harap ng writer/broadcaster

KUNG may tao mang kinasihan ng napakagandang suwerte nang araw na ‘yun, iyon ay walang iba kundi si writer/broadcaster na minsan ay naging TV host.

Daig pa niya ang tumama ng solo sa lotto.

Anyway, Biyernes ‘yon ng hapon, huling araw ng bida natin sa kanyang programa sa radyo. At lagi na, kapag tapos na ang kanyang programa diretso agad siya sa CR para juminggel.

Ngunit ang suwerte talagang dumarating kahit saan at anumang oras. Imagine, sa loob pa ng ‘kumpisalan’ ito natagpuan ni writer/broadcaster.

‘Di kasi, pagpasok ng una sa ‘jingle room’ ay nakapwesto na si politician from the north, na kumandidato last two elections pero natalo at ang sabi’y nadaya raw siya. But before election, natigok muna sa isang ambush ang kanyang mahal sa buhay.

Bueno, nu’ng pagpasok ng bida natin sa comfort room ay napalingon si politician sa kanya at nag-say hi and hello. Subalit kakatwa ang ginawa ng politiko. Akala niya hanggang lingon na lang sa kanya ang huli.

Hindi niya sukat akalain na haharap ito sa kanya habang pinapagpag ang kanyang nota. Tuloy ‘yung ihi na dapat sana ay lalabas na sa kahabaan ni writer/broadcaster ay bumalik uli sa kanyang pantog.

Mahigit isang minuto rin kasing winasiwas ng politician ang kanyang manoy sa harap ni manay, este, ni broadcaster.

At napatunayan ng huli na kahit may edad na ang politiko ay matikas pa rin ang pagkalalaki nito at sooo haba at sooo taba pala itetch. Hehehe!

***

Lady politician, 2 kamay ang gamit kapag kumakain at nakataas pa ang paa

YAMAN din lang naman at nasimulan natin ang  ating kuwentuhan kay Mr. Politician, tuloy-tuloy na natin ito hanggang kay Ms. Politician.

Ang bida natin dito ay dating sexy star at ngayon ay nasa mundo na nga ng politika.

Oks naman ang career niya sa bagong mundo niya ngayon dahil s’ya raw ang paborito ng kanilang gobernador kaya inuulan siya ng biyaya.

Natural, kapag masagana sa buhay, lahat ng lafang ay pwede niyang ipasok sa kanyang vivig. At dito nga na-witness ng inyong abang lingkod kung paanong lumafanggetch ang  bida natin.

Isa kasi tayo sa nanginain sa kanyang kaarawan. Hehehe! Pero hindi tayo nag-gate crash para lamang makalibre sa lafang. Invited tayo ng isa ring imbitado. Hahaha!

Infairness, masarap naman ang pagkakaluto ng pagkain.

Solved tayo ng lumisan sa kanilang balaysung.

Subalit kung kaylan malayo na kami sa kanyang tirahan ay saka namin naalalang naiwan pala ang cell phone namin na pinakisuyo naming i-charge muna.

Kaya dali-dali kaming bumalik. Hindi ko sukat akalain na pagpasok namin sa sala ay nagpo-food trip pala si lady politician.

Shocking dahil ‘yung center table ay punong-puno ng lafang at panay ang dampot niya sa mga ulamski gamit ang dalawang kamay. Gulat na gulat siya nang makita kami kaya biglang binaba ang isang paa niya na nakapatong sa sofa.

Hindi niya sukat akalain na babalik pa kami sa kanyang lungga.

Hhmmmm…kaya pala ang laki na ng tiyanetch nito. Kahit wala pang anak parang nanay na. Aral yata ito sa kanyang stage mother na nanay na itsurang may nuno sa punso ang tiyan. Hakhakhak!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply