NPA nagbanatan, 4 patay, 6 sugatan

PATAY ABG apat na miyembro ng New People’s Army  ang namatay habang anim namang miyembro ng Communist Party of the Philippine Armed winged ang nasugatan kasama ang ilang babaing guerilla sa naganap na sagupaan sa loob ng kanilang hanay sa lalawigan ng Negros Occidental, iniulat ng militar ngayong Linggo.

Ayon sa ulat na ipinarating ng Army 303rd Infantry Brigade sa punong himpilan ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, nagkaroon ng misencounter sa hanay ng CPP-NPA nitong nakaraang linggo sa may hangganan ng Barangay  San Isidro, Bayan ng Toboso at Barangay Libertad, Escalante City ng nabangit na probinsiya.

Kinilala ni 303rd Infantry Brigade Commander Colonel Jonas Sumagaysay ang mga namatay na sina Alias Dodoy, Alias Libat, Alias Aiza at Alias Tiro.

Base sa kanilang nakalap na impormasyon mula sa mga sibilyan asset, tumitindi ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga rebelde kaugnay sa ilang isyu hanggang sa nauwi ito sa  engkwentro.

Ayon pa kay Col. Sumagaysay, ilan sa sinsabing dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng mga rebeldeng pangkat ay ang nagaganap na  general breakdown ng  discipline sa NPA at ang demoralisasyon sa kanilang organisasyon dahil sa mga issue  na hindi masolusyunan ng kanilang liderato.

Sa ngayon, inaalam pa ni Col. Sumagaysay ang mga tunay na pangalan ng mga napatay na rebelde.

Nabataid pa sa opisyal na hindi lamang ngayon nangyari ang banatan sa loob mismo ng CPP-NPA dahil kamakailan lamang ay may inulat ding misencounter noong Pebrero at Abril, kung saan dalawa ang namatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply