NPA vs militar: 11 rebelde tepok

UMABOT na sa 11 New People’s Army (NPA) ang napatay habang dalawa naman ang sugatan sa panig ng pulisya makaraang magkasagupa ang grupo ng mga rebelde at ang puwersa ng Police Regional Office 2 at mga miyembro ng Philippine Army sa Lakambini, Tuao, Cagayan.

Sa latest report, 10 baril ang nakuha sa pinangyarihan ng engkuwentro.

Samantala, nagsagawa na ng blocking position ang pinagsanib na puwersa ng PNP Special Action Force at mga sundalo upang maharang ang mga tumatakas na rebelde.

Una rito, naiulat na lima ang namatay sa panig ng rebelde sa unang sagupaan na naganap sa Brgy. Sto Domingo, Piat, Cagayan, kahapon ng hapon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply