NPC-Afima Inter-beat Cage tournament

MAY pagkakataon pa ang mga iteresadong kalahok na palakasin ang kanilang mga koponan para sa gaganaping First National Press Club-Alyansa ng Flipinong Mamamahayag (NPC-Afima) Inter-beat basketball tournament sa Hunyo 4 sa Rizal Memorial Court.

Ipinahayag ni NPC president Jerry Yap na ipinagpaliban ang opening ceremony ng liga mula sa orihinal na petsang May 22 upang mapagbigyan ang kahilingan ng ibang miyembro na kasalukuyang nagsasagawa ng tryouts para sa kani-kanilang koponan.

Sa kasalukuyan, ang mga koponang nakapagsumite na ng kanilang line-up para sa torneong suportado ng Philippine Amusement Gaming Corporation (Pagcor) at Philippine Sports Commision (PSC) ay ang Senate Press Corps, Manila Police Department Press Corps, Afima, National Press Club, Eastern Police Press Corps, Camanava, Bulgar, POC-PSC Sports Team at Department of Education.

Hiniling ni NPC vice president at Sports Committee co-chairman Marlon Purificacion sa mga interesadong koponan na ipadala ang kanilang line-up sa NPC Office at makipag-ugnayan kay Fely o May sa 301-0521/22 at telefax 521-9300. Maaari rin na tawagan si tournament director Edwin Rollon (0927-3165837).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply