Nuke plant sa Japan isasara

IPINAG-UTOS ni Japanese Prime Minister Naoto Kan ang agarang pagpapasara sa isang nuclear power plant dahil sa wala itong tsunami at earthquake protection.

Ang Hamaoka nuclear plant ay matatagpuan sa Omaezaki, Japan at napakalapit nito sa dagat kaya posible umano itong masira at magbigay panganib sa mga mamamayan sa lugar kung salantain ito ng tsunami at lindol katulad sa nangyari sa Fukushima Daiiche nuclear power plant.

“The primary reason for this request is in the interest of the safety and security of the people of Japan. We came to this conclusion because of the grave impact on Japan’s people that could be incurred as a result of a serious accident at Hamaoka Nuclear Power Plant,” pahayag ni Prime Minister Kan.

Tatalima naman umano kaagad ang pamunuan ng naturang planta sa utos ni Kan at nangakong gagawan nila na estratehiya kung papaano magkakaroon ng matibay na tsunami at lindol para maituloy nito ang serbisyo sa mga mamamayan ng Japan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply