Obando, Bulacan dinayo sa ‘fertility dance’

DUMAYO ang daan-daang mag-asawa sa Obando, Bulacan para sumali sa century-old ritual dance na sumasampalataya sa isang patron na pinaniniwalaang nagbibigay ng anak.

Ang ritwal ay magaganap ngayong taon kasunod ng pagtaas na giyera sa kontrobersyal na panukalang batas na nagpapalaganap sa artificial contraception sa bansang may malaking populasyon ng mga Katoliko.

Pero sa mga libo-libong deboto na dumagsa sa Obando para mabiyayaan ng anak  sa taunang ritwal ngayong Mayo, ang mga milagrosang istorya na hatid nito ang nagbigay sa kanila ng inspirasyon para dumalo sa naturang okasyon.

Magsisipag-indak ang bawat magkaparehang mag-asawa sa loob ng 2 oras na prusisyon, na kumekembot ang mga balakang sa tradisyunal na tugtugin na ikinasa ng bamboo at marching bands.

Ang ritwal na may kasamang maikling pagbubunyi at dasal kay Saint Claire, ang lokal na patron saint ng fertility ang humihingi ng basbas para sila magkaroon ng anak.

Ang ritwal na ginaganap sa Obando sa loob ng maraming dekada na ay nag-orihinal at nagsimula sa pagan fertility ritual na ang mag-asawa na kapag ikinakaskas ang kanilang parte ng katawan sa isang idolo ay puwede nang magdalang-tao.

Pero ang nakaugalian ay pinalitan ng Catholic Church nang ipakilala si Saint Claire, ang patron saint ng fertility, sa mga lokal na residente.

Nanalangin ang dentistang si Earl de Castro na mabiyayaan sila ng malusog na sanggol at ito ay nagkatotoo matapos ang kanyang misis na nakaranas ng mahirap na pagbubuntis sa mga nakaraang panganganak ay nagkaroon ng malusog na sanggol.

“It was a miracle for us to be given a child. That is why we go back here yearly for thanksgiving,” pagmamalaki  ni De Castro.

Bukod pa rito, ang pagsasayaw din sa Obando ay nadudulot ng ‘fertility’ sa iba’t -ibang pamamaraan dahil ang naturang Santa rin ay nagsisilbing matchmaker para magkahanap naman ng kapareha ang mga walang taong wala nito.

Sa pagpapatunay naman ng bagong kasal na si Tess Faustino,  sinabi nitong nahanap niya ang kanyang mister matapos hiniling nito sa patron na bigyan siya ng daan para makilala ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply