Obispo pinatulan ng Palasyo sa RH Bill isyu

PINALAGAN ng Malakanyang ang panibagong pasaring laban sa Aquino administration ni retired Archbishop Oscar Cruz.

Una nang sinabi ni Cruz na ang pagsuporta ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Reproductive Health Bill ay pag-amin ng administrasyon na palpak ito sa kampanya kontra kahirapan.

Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda na walang katotohanan ang alegasyon ng retiradong obispo dahil determinado ang administrasyong Aquino na isakatuparan ang motto nitong: “Kung walang corrupt, walang mahirap.”

Binigyang-diin ni Lacierda na  hindi nababahala ang Palasyo sa alegasyon ni Cruz dahil hindi naman ito ang posisyon ng buong simbahang Katoliko.

Sinabi nito na sariling opinyon lamang ito ni Cruz at tulad ng ibang tao, malaya naman sa paglabas ng saloobin.

Iginiit ni Lacierda na hindi sila naging bingi sa mga isyung ibinabato sa kanila ng Simbahan hinggil sa responsible parenthood.

Ito aniya ang dahilan kaya nagpatawag sila ng konsultasyon sa iba’t ibang sektor, kabilang ang CBCP.

“The reality is that the sharp tongue of the retired prelate indicates a closed attitude remarkably free of either Christian charity o basic prudence,” ayon kay Lacierda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply