Obrero pinagsasaksak ng kasamahan, patay

TODAS ang isang laborer makaraang pagsasaksakin ng kanyang kasamahan nanag sampalin ng una ang live in-partner ng huli Sabado ng umaga, Mayo 21, sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Ronaldo Gonzales, laborer, residente ng Don Crispulo St., Nitang Avenue, Barangay Gulod, Novaliches, QC.

Si Gonzales ay ideneklarang dead on arrival sa Novaliches District Hospital dahil sa limang tama ng saksak sa kanyang dibdib at ulo.

Kasalukuyan naman pinaghahanap ang suspek na si Roland Trinidad, 21, binata, laborer, ng Don Crispulo St., Nitang Avenue, Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 4 Novaliches, naganap ang insidente sa Victoria St., Nitang Avenue, Brgy. Gulod, Novaliches, QC kaninan, dakong 6:00 ng umaga.

Sinabi SPO2 Eduard Samilin desk officer bago naganap ang insidente ay nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek sa kanilang pinagta-trabahuhang construction site sa naturang lugar.

Kahapon ng umaga habang nasa barracks sa kanilang ginagawang gusali ang suspek at mga kasamahan nito ay biglang dumating ang biktima at galit na hinahanap ang suspek.

Agad naman lumabas ng barracks ang live in-partner nitong si Joanna Suella para kausapin ang biktima at mabatid kung ano ang problema.

Subalit habang nag-uusap ang dalawa ay biglang pinagsasampal ng biktima ang ka-live in ni Trinidd dahilan para lumabas ng barracks ang galit na galit na suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak si Gonzales..

Namatay si Gonzales dahil sa mga tinamong saksak sa kanyang katawan habang tumakas naman si Trinidad matapos ang insidente at kasalukuyang pianghahanap na ito ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply