Obrero umawat sa gulo binoga ng sekyu sa ulo

PATAY ang isang construction worker matapos barilin sa ulo ng isang security guard makaraan umawat sa away sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Chinese General Hospital sanhi ng tama ng bala ng kalibre 38 sa ulo si Ronald de Duque, 43, ng 2161 Laong-Laan St., Sampaloc, Manila.

Hinahanting na ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), para panagutin sa krimen ang tumakas na suspek na si Rodel Santiago, guwardiya ng Hawk Security Agency.

Naganap ang insidente bandang 8:00 ng umaga kanina sa Petron gasoline station na nasa Laong-Laan St, Barangay San Isidro Labrador.

Bago ito, kumakain ng almusal ang isang nagngangalang Julius Villamin sa isang carenderia nang dumating si Santiago at sa hindi pa malamang dahilan ay binaril agad nito ang una.

Sa kabutihang palad, hindi pumutok ang baril kaya tumakbo si Villamin pero hinabol ni Santiago hanggang sa makarating sa nasabing gasolinahan na nagkataong naroon ang biktimang si De Duque.

Inawat ni De Duque ang suspek ngunit imbes kumalma ay itinutok ang kanyang baril sa ulo nito at saka kinalabit saka tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply