OFWs patungong abroad mababawasan ng 3%

NASA tatlong porsiyento ang mababawas sa bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na magtatrabaho sa ibayong dagat.

Ang kabawasan ay bunsod ng patuloy na nagaganap na kaguluhan sa Libya, Egypt, Lebanon at Bahrain.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), inaasahan na nilang bahagyang bababa ang bilang ng mga Pinoy na magtatrabaho sa ibayong dagat, partikular sa mga bansang may naganganap na kaguluhan.

Pansamantalang nililimitahan ang pagha-hire ng OFWs sa mga sususnod na buwan upang maprotektahan ang mga Pinoy workers na muling maipit sa kaguluhan sa naturang lugar.

Dahil dito, may panganib na bumaba ang ekonomiya ng bansa dahil isa ang OFWs sa mga tumutulong sa ekonomiya sa pamamagitan ng kanilang remittances.

Batay sa ulat ng POEA, ang pagpapalikas ng mga Pinoy workers ang naging malaking problema ng ahensya sa pagpapabalik ng mga ito sa mga bansang kanilang pinanggalingan kung saan sila naiipit sa mga kaguluhan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply