OFWs sa Yemen ililikas na

INILALATAG na ng embahada ng Pilipinas sa bansang Yemen ang paglilikas sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos na itaas ang alerto rito sa level 3 sanhi ng umiigting na kaguluhan sa naturang bansa.

Ito ang ulat na isinumite ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario kay Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon ng mga migranteng Pinoy na posibleng maipit sa patuloy na paglala ng sitwasyon sa Yemen.

Ani del Rosario, sanhi ng pagtataas sa level 3 ng alerto ay sasagutin ng pamahalaang Pilipinas ang lahat ng gastusin para sa pagpapatupad ng paglilikas sa mga OFWs pabalik ng bansa.

Ayon pa sa kalihim, nakaalerto na ang lahat ng kawani ng embahada ng bansa sa Riyadh at konsulado na nasa Jeddah upang umalalay at manguna sa paglilikas ng bawat obrerong Pinoy na nasa Yemen.

 “We are ready to move our people out of harm’s way and the teams from the Philippine Embassy in Riyadh and the Philippine Consulate General in Jeddah stationed there are prepared to implement the voluntary repatriation program,” ani del Rosario.

Sa kasalukuyang talaan ng DFA, umaabot sa 1,422 ang mga rehistradong Pinoy na naka-base sa Yemen at posibleng tumaas pa ang naturang bilang sanhi ng mga kababayan na iligal ang papeles ng pumasok sa nabanggit na magulong bansa sa Gitnang Silangan.

Kaugnay nito, kaagad na pinakilos ni Philippine Charge d’ Affaires Ezzedin Tago ang binuo nitong five-man team para magtungo ng Sanaa, ang kabisera ng Yemen, para ipatupad ang contingency plan sa ipinag-utos ng paglikas ng mga kababayan.

Ayon sa opisyal, mayroon na umanong mga embassy officers at staff na nakikipag-ugnayan sa mga Filipino communities para ipaalam ang heightened alert level at ipinapatupad repatriation program ng pamahalaan. Axel Sam

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply