Oil firms bawas-presyo sa susunod na linggo

BUNSOD ng pagbaba sa presyuhan sa pandaigdigang merkado, malaki ang posibilidad na bumaba ang presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo.

Ayon sa ilang independent oil players, patuloy na sumasadsad ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan dahil marami ang suplay nito at dahil na rin sa paghina ng ekonomiya ng Estados Unidos at China.

Ayon sa pamunuan ng Seaoil, inaasahan na simula Lunes hanggang Miyerkules sa susunod na linggo ay halos $8 ang natapyas kada bariles ng imported na gasoline, habang $2 naman kada bariles ang ibinaba sa presyo ng diesel.

Ang naturang pagbaba sa presyo sa world market ay katumbas naman ng P2 bawas-presyo sa gasolina at 50 sentimos naman sa diesel.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply