Oil spill sa barkong sumadsad sa Sarangani pinaghahandaan

PINAGHAHANDAAN na ang posibleng oil spill sa patuloy na pagsasagawa ng surveyor inspection sa MV Double Prosperity na sumadsad sa Bakud reef, na nasa 2.5 nautical miles mula sa Kiamba, Sarangani province.

Inihayag ni Chief Petty Officer Francis Eric Buagas ng Philippine Coast Guard (PCG-Gensan), ang barko ay nagmula sa Australia at papuntang India na karga ang mga coal.

Dagdag pa ni Buagas, hindi kaagad namalayan ng duty officer na nasa mababaw na area na pala ang barko kaya nagtamo ito ng maliit na butas sa bahagi ng fore peak tank nito.

Samantala, inihahanda rin ang mga oil spill booms kung sakaling mangyari ang oil spill.

Binabantayan ng awtoridad ang nasabing barko gayundin ng mga personahe ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang 21 crew ng barko na lahat Filipino at ang kapitang si Danilo Santa Anta.

Sa Sarangani Bay dumaan ang MV Double Prosperity nitong nakalipas na Mayo 8, isang Panamian registered vessel dahil ito ang pinaka-shortest na daanan mula Australia papuntang bansang India.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply