Oliver Barbosa tabla sa GM Norm bid

NAGTALA na naman ng panibagong tabla si Filipino International Master (IM) Oliver Barbosa sa 8th round ng 10th Asian Continental Individual chess championships sa Hotel Pardisan sa Mashhad, Iran kanina.

Ang pakikipaghatian ng puntos kontra kay Indian GM Adhiban B ay nagdulot para mapalakas ang kanyang tsansa sa pagsukbit ng pinaka-aasam asam na grandmaster norm.

Nakalikom na ang Taytay, Rizal resident Barbosa ng  total  4.5 points, gaya nina Adhiban B at GM Abhijit Kunte ng India, GM Wen Yang at GM Zhou Weiqi ng China, GM Anuar Ismagambetov ng Kazakhstan at compatriots GM Mark Paragua at John Paul Gomez. Talo si Paragua kay GM Parimarjan Negi ng India habang giniba naman ni Gomez si FM Ahmadinia E ng Iran.

Si GM Wesley So, ang country’s top rated player an may Elo rating 2667 ay tabla din kay GM Bu Xiangzhi ng China habang tabla din si GM Darwin Laylo kontra kay GM Ehsan Ghaem Maghami ng Iran. Si So ay may tangan na 5 points habang nakamada naman ni Laylo ang 4 points.

Ayon kay National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president/ chairman Prospero “Butch” Pichay Jr., kinakailangan maipanal ni Barbosa ang kanyang final match tungo sa first grandmaster norm.

Sa ninth at final round, kaduwelo ni Barbosa si Kunte, karibal ni So si Negi, kalaban ni Gomez si Wen, kasagupa naman ni Paragua si Zhou at katapat ni Laylo si world’s female no.1 player GM Hou Yifan ng China.

Ang top four finishers sa annual tournament ang siyang kakatawan sa region tungo sa 2011 World Cup scheduled sa Khanty-Mansiysk, Russia ngayong taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply