Opisina ng ‘pabaon’ sa AFP, nilusaw ng DND

TULUYAN nang nilusaw ng Department of National Defense (DND) ang pangunahing tanggapan na kumakanlong at umano’y ugat ng korapsiyon sa Armed Forces of the Philipipnes (AFP) na dating pinamumunuan ng dalawang heneral na nasangkot sa multi-milyong pabaon sa militar.

Sa kanyang pagdalo sa ginanap na pagdinig ng Blue Ribbon committee sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III, sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na tuluyan nang nilusaw ang Office of the Comptrollership, o J6, na dating pinamumunuan ni M/Gen. Carlos Garcia at Lt/Gen. Jacinto Ligot.

“The DND has abolished the office of the deputy chief of staff for comptroller (J6) in order to provide check and balances in the AFP fiscal management. It was reorganized into four independent offices at the AFP general headquarters namely: resource management office, office of the internal auditor, management and fiscal office and accounting office,” ayon kay Gazmin.

“It approved cash advance system in accordance with COA rules, conduct regular performance reviews, abolition of the provision for command directed activities of the PCDA and devolution of the centrally-managed funds,” giit pa ni Gazmin.

Matatandaan na ibinulgar ni dating AFP budget officer Lt. Col. George Rabusa na sentro ng korapsiyon sa AFP.

Paartikular na dito ang pangangalap ng pasalubong, buwanang payola at pabaon sa dating chief of staff ng military ang kinukulimbat sa J6 partikular mula sa pasahod ng sundalo.

Ginagamit din ngayon ng AFP ang Defense System of Management (Desom) sa ilalim ng Philippine Defense Reform Program (PDR) na inilunsad noong 2004 sa tulong ng Estados Unidos upang magkaroon ng reporma at pagbabago sa pamamahala ng pananalapi sa militar.

“Desom is a strategy-driven, capability-based, multi-year defense year planning system. It is composed of form mutual supporting and inter-connected systems as shown,” giit ni Gazmin.

Sa ilalim ng proseso ng Desom, maaari nang matukoy kung saan napunta ang bawat sentimo ng badyet ng AFP upang matiyak na mahusay na nagagamit ang kakarampot ng pondo ng sandatahan.

“Additionally, all responsible persons are identified at every stage of planning and budgeting and promoting transparency and accountability,” paliwanag ni Gazmin.

Inihayag pa ni Gazmin na binuksan ng AFP at DND sa publiko ang proseso ng tawaran sa lahat ng proyekto at gastusin ng militar na kabilang ang civil society, samahan ng mga bishops at Makati Business Club at media upang maipatupad ang tinaguriang transparency sa pamamahala.

 

Pauunlarin din ng DND ang kapabilidad at kapasidad ng AFP sa pamamagitan ng integrity development program sa management system patungo at makakuha ng sertipikasyon mula sa International Organization of Standardization (ISO).

“Likewise, we are currently pursuing the integrity development program which aims to provide a culture uprightness and professionalism in the department. It pursues to shift all routines and existing norms to a mindset of a true public servant. Completing these efforts, we have also to embark in the establishment of the quality management system towards ISO certification,” aniya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply