Opisina ng senador pugad ng chicks

TULAD ng isang club o disco house na tambayan ng kababaihan, meron din nito sa Senado sa mismong tanggapan ng isang senador.

Batay sa napag-alaman at nasaksihan ng matang kuwago ng Remate, sa loob ng isang linggo ay isa hanggang dalawang beses kung tumambay ang mga kababaihan sa naturang tanggapan ng opisina ni senador na akala mo ay naghihintay ng customer o pi-pick up sa kanila.

Subalit ang kailangan lang pala ng mga kababaihan mula sa tanggapan ni senador ay rekomendasyon, medical at financial assistance.

Akala tuloy ng ating matang kuwago sa Remate,  parang promotion at nag-aaply na artista ang naturang mga kababaihan.

Ang ipinagtataka ng ating matang kuwago sa Remate na hanggang sa mismong silid o kuwarto na kung saan naroon ang mismong lamesa ni senador ay nakararating ang mga ito at doon pa tumatambay ang naturang mga kababaihan.

Take note wala si senador sa kanyang tanggapan sa tuwing tatambayan ng mga naturang kababaihan at minsa’y inaabot pa ng gabi.

Ano kaya ang ginagawa nila roon at kung bakit wala kahit sinoman sa kanyang mga staff ang kanilang kasama? Nakaloloka ‘di ba?

Pero hindi naman isang babae lang iyon dahil kung minsan ay dalawa, tatlo at may pagkakataon
na limang kababaihan.

Heto pa ang siste: Libre pang pinakakain ang mga naturang kababaihan ng snack sa Senate lounge at pagkatapos ay mayroon pang salaping dala-dala.

Napakabait naman ng staff ni senador este ni senador na lubhang matulungin.

Ang tanggapan ni senador ay matatagpuan sa 5th floor at tulad ng isang kabayo magaling na tumakas este tumakbo si senador sa sesyon hall pagkatapos magpa-check ng attendance.

Hindi mahilig si senador subalit mayroon siyang anak na nasa Estados Unidos na nag-aaral at dating karelasyon ng isang beauty queen na mali-mali ang Ingles pero sumikat sa pag-i-Ingles.

Tiyak kilala na ninyo. Kung hindi pa itanong ninyo kay dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at tiyak masasagot niya kayo.  He he he!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply