Opisyal ng Customs sa Mindanao sinibak

SINIBAK sa pwesto ang isang opisyal ng Bureau of Customs (BoC) sa Mindanao nang madawit ang pangalan nito sa listahan ng mga contact ng di-umanoy pinaghihinalaang big-time na ismagler ng mamahaling sasakyan na si Lynard Bigcas.

Kinilala ang opisyal na si Atty. Noah  Dimaporo, Bureau of Customs Region 10 deputy collector for operations at nakadestino  sa Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan, Misamis Oriental, na pinaniniwalaan ng mga awtoridad na ginawang port of entry ng mga luxury vehicles na inismagel umano ni Bigbas sa bansa.

Hindi naman makapaniwala ang mga kasamahan ni Dimaporo na sangkot ito sa smuggling, isa na rito si deputy collector Marvin Mison.

Aminado naman si Dimaporo na nakasama siya sa listahan dahil nagtanong lamang siya ng presyo ng mga ibinebentang baril at motorsiklo ni Bigcas, dahil mahilig umano siya sa mga ito.

Maging ang ESS District commander ng MCT na si Captain Isidro Estrera ay di rin naniniwala sa pagkakasangkot ni Dimaporo dahil wala silang ni katiting na pagdududa sa pagkatao nito.

Ang iba pang pangalan na nakasama sa “black book” ni Bigcas ay isang Edward Mellana, Governor Rommel Jalosjos, Representative Bullet Jalosjos,  Col. Gregorio Pimentel ng Highway Patrol Group 10, isang Boy Plaza, at isang Mayor Ali.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Kamara sa naturang usapin nang malaman ang kaugnayan ng mga personalidad sa nasabing smuggling syndicate.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply