‘Oplan Balik Eskuwela’ inilunsad sa Navotas

INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang “Oplan Balik Eskuwela” bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan doon.

Pormal na inatasan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang City Engineering office, upang ayusin ang lahat na mga sira-sirang kalsada at linisin para hindi tumaas ang tubig-baha sa panahon ng tag-ulan.

Kasabay nito, bumuo rin ng Barangay Anti-Dengue Team na siyang magmonitor at makipagkoordinasyon sa 14 na barangay, kung saan magsasagawa ng fogging operation para makaiwas sa anumang sakit ang mga mag-aaral.

Inalerto rin ng alkalde si P/Sr. Supt. Florendo Quibuyen, hepe ng Navotas City police hinggil sa pagtaas ng kaso ng robbery hold-up sa lungsod.

Dahil dito, ipakakalat ang mga kapulisan sa mga lansangan na siyang sinasamantala ng mga kriminal kung saan madalas na biktimahin ay ang mga estudiyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply