Oras ng trabaho ng teachers babawasan

INIHAIN ni Sen. Manny Vilar ang isang panukalang batas upang bawasan ang oras ng trabaho ng lahat ng pampublikong guro mula sa dating walong oras, gagawin na itong anim na oras o may kabuuang 30 oras kada linggo.

“Teachers clamor for higher pay but shorter working hours. Their work schedule leaves them stressed out and exhausted. Reducing their number of working hours will allow them to have more time to innovate and enhance classroom teaching and result to a more productive workforce,”ayon kay  Villar.

Base sa Senate bill No. 2454, gagawing anim na oras ang workday ng pampublikong guro at hindi na sila kasali sa 8 hour workday.

Ibinabasura ng panukala ang Section 13 at 14 ng Republic Act No. 4670 o ang Magna Carta of Public School Teachers. Noong 2008, nagpalabas ang Department of Education ng Memorandum 291 na pinapayagan ang mga guro na maglaan ng anim na oras sa aktuwal na pagtuturo sa loob ng silid aralan, at gagamitin naman ang natitirang dalawang oras sa aktibidad na may kinalaman sa pagtuturo. Kaya, kailangan magtrabaho ang mga guro ng walong oras kada araw.

Layunin ng panukala na payagan ang mga guro na magkaroon ng exemption sa 8-hour workday sa ilalim ng Civil Service rules, Book V ng Administrative Code of 1987 na nagsasabing  “Officers and employees of all deparments and agencies except those covered by special laws shall render not less than eight hours of work a day for five days a week or a total of 40 hours a week, exclusive of time for lunch.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply