Orcullo natumbok ang round 64 sa World Ten Ball Championship

PAPUNTA na si Filipino Dennis Orcullo sa last 64 ng WPA World Ten Ball Championship sa World Trade Center sa Roxas, Boulevard, Pasay City kahapon.

Si Orcullo, former fisherman mula Bislig Surigao del Sur ay naging first Filipino na nakapasok sa knockout round stage matapos ang isang  easy 9-2 triumph kay Max Eberle ng United States sa second day ng Raya Sports tournament sanctioned ng World Pool-Billiard Association (WPA) sa pakikipagtulungan ng Billiards and Snooker Congress of the Philippines at ni long-time billiards patron Sebastian “Baste” Chua ng Star Billiards Center.

Ang cue artists na kilala sa international pool circuit na “The Robocop” ay nag bomba agad ng 8-0 lead patungo sana sa possible sweep ng kanyang opponent.

Pero dahil na din sa dry break sa ninth rack ay nagbigay daan kay Eberle na makabalik sa ibabaw ng mesa. Nakuha ng kano ang next two racks subalit hindi na nakaporma pa sa safety exchanges ni Orcullo.

Nabigyan si Orcullo ng slight opening sa No.6 tungo sa pag-ubos ng bola. Samantala, si defending World Ten Ball champion Mika Immonen ng Finland ang  first player naman ang naka abante sa round-of-64 matapos talunin si Ruben Cuna ng Philippines, 9-3.

Nakasunod din sa pagwawagi sina heavyweight Thomas Engert ng Germany at double world champion Wu Jia Qing ng China (formerly known  Wu Chia Ching) ilang minuto ang nakalipas.

Ang New York based Immonen, former world No.1 player ay nagtatangka ng magandang pagtatapos dito matapos siyang mapatalsik sa Philippine Open Pool Championship sa round-of-32.

Si Engert, ang former World Straight Ball at International Challenge of Champion 9-Ball titlists ay giniba si Francis Diaz-Pizzaro ng Spain, 9-6.

Habang si Wu, adouble world champion ay nakalusot kay 17-year-old Jonas Magpantay ng Philippines, 9-4.

Si Tony Drago ng Malta ang nag agaw ng atensiyon kahapon matapos talunin ng mabilis si Radoslaw Babica ng Poland, 9-1, sa 35 minutes of play.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply