Orientation sa K+12 program sinimulan na

SINIMULAN na ng Department of Education (DepEd) ang pagbibigay ng tamang kaalaman hinggil sa unang bahagi ng implementasyon ng k+12 basic education program.

Ayon sa DepEd, tinatayang 171 empleyado mula sa iba’t ibang central office ang dadalo sa pag-aaral sa tungkol sa ipapatupad na programa ng basic education.

Kabilang sa mga isyung tatalakayin ay ang sumusunod: aalamin kung may sapat na curriculum para sa elementarya at high school students; mga kakulangan sa classroom at instructional materials; at aalamin kung dapat na maitaguyod at maging magkatuwang pa ang DepEd at Technical Education and Skill Development Authority (Tesda) sa pagpapatuloy ng programa na kanilang sinimulan.

Ang unang bahagi ng proyekto ay sisimulan sa pagpasok ng school year (SY) 2011-2012 para sa universal kindergarten, kung saan ang mga kabataan na mula sa limang taon ay dapat mag-enroll.

Kasama sa K+12 program ay ang kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school at dalawang taon sa senior high school.

“We need to add two more years to our basic education curriculum so as to uplift the country’s standard of education. The program will help the country to cope up with the fast pace of globalization,” pahayag ni Undersecretary for Legal and Legislative Affairs Alberto Muyot.

Bukod kay Muyot, ang mga tatayong resource speaker ay sina Undersecretary for Program and Projects Yolanda Quijano, Undersecretary for Regional Operation Lino Rivera at Assistant Secretary for Planning and Development Jesus Lorenzo Mateo.

Ang K+12 program ay bahagi ng 10-point education agenda ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III

Makaraan ang implementasyo ng universal kindergarten program, ang grade 1 students para sa SY 2012-2013 ang unang isasailalim sa 12-year elementary at high school education program.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply