Orlando Sol retokado ang nota

PITONG taon din naman ang hinintay ng young actress na si Bianca King bago tuluyang nabigyan ng pagkakataong magbida sa isang teleserye. Labis labis ang kasiyahan ngayon ng GMA star dahilan sa kanya ipinagkatiwala ang isang proyekto na tinanggihan ng isa pang GMA star na si Iza Calzado, ang Sestensyada.
Bukod sa ganda ng istorya ay makakasama ni Bianca bilang support sa kanyang kauna-unahang teleserye ang magaling na actor na si Dennis Trillo at ang muling nagbabalik Kapuso star na si Alessandra de Rossi, kung saan  lalabas ito bilang pinaka-kontrabida ni Bianca.
Marami rin naman ang nagsasabing deserving na rin naman si Bianca na bigyan ng isang launching teleserye. Halos pitong taon din niya itong hinintay at naging loyal rin naman siya sa kanyang mother studio.
Isang mapanghamon role ang kanyang gagampanan ni Bianca sa Sestensyada kung saan ay kabaligtaran sa tunay na buhay ang kanyang role, isang babaeng hindi nakapag-aral at physically abused.

***

ALAM kaya ni direk Maryo J delos Reyes na ang isa sa pinagmamalaki niyang alaga at member ng sikat na all hunks group na Maskulados na si Orlando Sol, na napapanood sa Sisid bilang kaibigan ni Jackie Rice, ay member ng ‘thank you dok’?
As in, ang titulo nitong ‘tambok’ king ay peke dahilan sa nagpatambok lang daw ng puwet at nag-undergo ng penile enlargement si Orlando para lumabas na matambok ang kanyang harapan at pati na ang kanyang puwet.
Tsika ito ng isang bading na malapit sa doctor na gumawa diumano ng plastic surgery kay Orlando Sol.
Tsika pa ng bading ang doctor ay may initial na J.A. at paborito itong doctor ng mga hunks at artistang nagpapalaki ng ng mga hinaharap at puwet. Isang dahilan pa rin daw kung bakit nagpalaki ng puwitan at ari si Orlando ay para sa mga eksena niya sa Sisid na saan ay madalas siyang naka-short na hapit at super igsi.
Eh siyempre nga naman, dagdag pogi points sa hunk actor kung matambok ang kanyang harapan at likuran.
Kung totoo ang tsikang ito, ano naman kaya ang masasabi ng mga taong sumusuporta kay Orlando na napasama sa Fabulous Man of the Decade ng Pinoy Hunks sa internet?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply