Osama bin Laden inilibing na sa dagat

INILIBING na umano sa dagat ang labi ng napatay na Al Qaeda leader na si Osama bin Laden.

Ayon sa pahayag ng isang U.S. senior administration official, alinsunod sa Islamic tradition, kailangan umanong mailibing ang labi ni Bin Laden sa loob ng 24 oras, matapos mamatay ayon na rin sa tradisyon ng mga Muslim.

Aminado rin ang source na walang bansa ang handang tanggapin ang labi ng tinuturing na world’s most wanted terrorist leader, kung kaya’t nagdesisyon na umano ang mga otoridad na ilibing ito sa dagat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply