Overacting kami

OVER-ACTING daw ako at ang mga kasamahan kong konsehal nang lumikha kami ng ordinansa sa

Quezon City noon pa na nagbabala ng maaring maidulot na kapahamakan nang mas pinalawak na

Commonwealth avenue, tatlong taon na ang nakalilipas.

Tinalakay namin sa ordinansa ang mga mahahalagang bagay na tumutukoy sa characteristics ng Commonwealth noong widening nito at ang kahalagahan ng highway sa ekonomiya ng QC.  Nakita na ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang magiging kahalagahan ng Commonwealth, at kami naman sa Konseho ay nakita rin ang kahalagahan ng pagtutok sa disiplinang paggamit nito para sa kaligtasan naman ng mga motorista at mga pedestrians.

Elaborated na ang mga suhestyon namin noon pa gaya ng tamang paghahati-hati ng mga lanes para sa kung anong klaseng sasakyan; kung saan lang pwede bumaba at sumakay  ang mga pasahero; emphasis on no-parking sa highway; 60 kph speed limit, etc. etc. Kaya nga sabi ng mga reaksyon, OA nga daw kami. Noong panahon na yon ay mataas na ang ekspektasyon ng QC sa Commonwealth. Ang plano para sa highway ay maging sentro ng mga call center companies. Pero ano na ang reputasyon ng Commonwealth ngayon? Ang “killer highway.”

Makalipas ng tatlong taon, ngayon na lang ulit pinaiigting ang pagpapatupad ng 60 kph speed limit.  Ang problema ng Commonwealth Avenue ay nakita ko na at ng aking mga kasamahan sa Konseho ng lungsod noon pa.  Hindi na masasabi na bagong usbong lang ang mga problemang ito. Hindi lang natutukan ang implementasyon. Kailangan pang marami ang mga magbuwis ng buhay para imbes na sabihing OA ang mga konsehal ng QC ay bigyang halaga ang mga detalye-ng pinagaralan namin, iginiit, at isinulong para sa kapakanan ng mga taga QC.

Naniniwala akong hindi pa huli ang lahat. Ang kailangan lang ay tama at seryosong  implementasyon ng batas para sa kaligtasan ng lahat ng mga taong dumadaan sa Commonwealth Avenue.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa

akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa isyung ito

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply