P.2-M sex toys, pirated DVDs winasak ni Lim

WINASAK sa pangunguna ni Manila Mayor Alfredo Lim ang sex toys, porno at pirated DVD’s na aabot ang halaga sa P.2 million.

Ayon kay Lim, hindi niya titigilan ang pangungumpiska sa mga ibinebentang sex toys, sex enhancement, gadget, porno at piniratang dvd’s, bilang bahagi ng kanyang tuloy-tuloy na kampanya laban sa mga malalaswang panoorin gamit at babasahin na ibinebenta sa bangketa.

Napag-alaman na may 30 sako ng porno at piniratang dvd’s at 5 kahon ng sex gadgets, toys at enhancement ang sinira sa shredding machine sa Manila City Hall kanina.

Ang mga sinirang porn materials ay nakumpiska ng mga tauhan ni P/Supt. James Afalla, Station Commander ng Manila Police District (MPD)-Station 3 sa mga tindahan sa Quiapo at Sta. Cruz Manila.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply