P.2M sa ulo ng pumatay sa pulis

P.2 milyon para sa ulo ng pumatay sa pulis-Paranaque

NAG-ALOK ng P200,000 reward si Paranaque City Mayor Florencio “Jun” Bernabe para sa makapagtuturo o makaaaresto sa suspek na pumatay sa pulis habang isinasagawa ang clearing operation sa area ng Baclaran noong Miyerkules ng gabi, Mayo 11, sa Paranaque City.

Ayon kay Bernabe, puspusan na ang ginagawang manhunt operation ng mga Paranaque City Police at pinababantayan na ang lahat ng exit point para hindi makatakas ang suspek na sinasabing tubong Maranao. 

Kaugnay nito, sinibak na sa puwesto bilang hepe ng Police Community Precinct 1 si Police Senior Inspector Abraham Gabuna dahil sa umano’y command responsibility nito ang nangyari. Pumalit naman sa naiwanang puwesto si Inspector Teodoro Papa.

Si PO3 Maphilindo Prades, 47, na nakatalaga sa Special Operations Group (SOG) ng Paranaque City Police at residente ng Blk 5 Lot 10 GPL-1 Ext. Malagasang Anabu II, Cavite ay binaril at napatay ng salarin habang ipinatutupad ang clearing operation sa naturang lugar.

Ayon kay Police Chief Sr. Supt. Nestor Pastoral na hindi ang pagkakapaslang kay Prades ang pipigil sa patuloy na pagsasagawa nila ng clearing operation sa Baclaran habang puspusan na ang pagtugis nila sa pumaslang sa naturang pulis. Amor Virata

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply